Paano Gumanda ang Buhok?
Sino ba sa atin ang ayaw ng mgandang buhok? Sa Blog na ito matututuhan mo kung paano ang tamang paraan upang pangalagaan ang iyong buhok. Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang upang maisakatuparan ang iyong pangarap na buhok:
Una, Hugasan ang buhok ng dalawa o tatlong ulit kada linggo para gumanda ang buhok.
-Huwag masyadong hugasan ang mga may kulay na buhok, sapagkat aalisin agad nito ang kulay at kintab ng iyong buhok. Ayon sa mga dalubhasa sa pagpapaganda ng may kulay ng buhok, ang pinakamadalas na pagkakamali ng mga tao ay ang sobrang paghugas ng may kulay na buhok.
Ikalawa, I-shampoo ang anit hindi ang dulo, pampaganda ng buhok.
-Imasahe ang shampoo sa anit para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo dito. Ang pagbibigay ng isang maayos na masahe ay siyang mahusay na paraan para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo sa anit at maaalis ang mga toxins.
Ikatlo, Mag-iwas sa mainit na tubig.
-Maligo nang malamig na tubig. Ang pagpapaligo ng mainit na tubig ay makapagpapatuyo ng buhok at maaaring magdulot ng mga buhol na maaaring mauwi sa pagkasira ng buhok.
Ika-apat, Marahang patuyuin ang buhok bago maglagay ng conditioner.
-Siguraduhing pinatuyo moa ng iyong buhok gamit ang tuwalya bago ka nag lalagay ng conditioner. Ang paglalagay ng conditioner habang basa pa ang buhok ay siyang dahilan kung bakit hindi maayos na nakakapenetrate ang conditioner sa buhok na makapagdadala sana ng lusog at kintab.
Ngayon, alam mona kung paano pagagandahin ang iyong buhok ng hindi gumagastos ng mahal para magpunta sa mga salon o bumili ng mga produktong maaring makapag-pasira ng iyong buhok.
Disclaimer: lahat ng larawan ay nakuha lamang sa Google.
Comments
Post a Comment